4Ps Beneficiaries sa Orani, Binigyang-Kasanayan sa Food Processing
Isinagawa ang Community-Based Training (CBT) ng Bataan Peninsula State University – Extension Training and Ser…
News, videos and advisories from DSWD Field Office III.
Isinagawa ang Community-Based Training (CBT) ng Bataan Peninsula State University – Extension Training and Ser…
Isinagawa ang Community-Based Training (CBT) ng Bataan Peninsula State University – Extension Training and Service Center (BPSU-ETSO) na dinaluhan ng 65 na 4Ps beneficiaries sa Orani, Bataan.
Sa nasabing pagsasanay, natutunan ng mga kalahok ang paggawa ng mga produktong maaaring gawing panimulang negosyo, tulad ng coco jam, mango jam, banana chips, at camote chips. Layunin nitong mapaunlad ang kanilang kaalaman at kasanayan sa food processing at mabigyan sila ng dagdag na oportunidad para makapagsimula ng sariling kabuhayan.
Nagbigay rin ng orientation ang Department of Trade and Industry (DTI) tungkol sa mga pangunahing marketing strategies, na makatutulong sa mga kalahok sa pagpaplano at epektibong pagbebenta ng kanilang mga produkto.
Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, DSWD, BPSU-ETSO, DTI, at iba pang katuwang na ahensya ng pamahalaan, bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap na mapalakas ang kakayahan at kabuhayan ng mga 4Ps beneficiaries.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy nating isinusulong ang pagkakaroon ng kasanayan, oportunidad, at mas matatag na kabuhayan para sa mga pamilyang Pilipino. Dahil ang bawat bagong kasanayang natututunan ay maaaring maging unang hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan.
Sa bawat bagong umaga sa lalawigan ng Tarlac, may amoy ng bagong pag-asa ang sumasabog mula sa mga kusina at p…
Sa bawat bagong umaga sa lalawigan ng Tarlac, may amoy ng bagong pag-asa ang sumasabog mula sa mga kusina at pamayanan. Hindi lamang ito simpleng amoy ng tinapay na bagong hango sa hurno o usok mula sa bagong lutong tinapa, ito ay ang mabangong simula ng isang mas matatag na kinabukasan para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa pagsisikap ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan, binigyang-lakas ang mga lokal na mamamayan sa pamamagitan ng dalawang magkasunod na programang pangkabuhayan: ang Bread-Making Training sa San Jose at ang Tinapa-Making Training sa Santa Ignacia, Tarlac.
Sa bayan ng San Jose, labing-anim (16) na miyembro ng 4Ps ang nagtipon upang subukan ang kanilang mga kamay sa sining ng pag-panaderya. Sa pangunguna ng San Jose Municipal Action Team at DTI Tarlac sa pamamagitan ng Negosyo Center San Jose, katuwang ang Provincial Government of Tarlac – Tarlac Center for Learning and Skills Success (PGT-TCLASS), naging makasaysayan ang hands-on training na ito.
Sa pamamagitan nito, natutunan ng mga kalahok ang paggawa ng pandesal at pan de coco para sa pang-araw-araw na agahan ng komunidad, Spanish bread at donuts, at pizza na nagpatunay na kaya nilang gumawa ng mga produktong dekalidad at nabebenta sa mas malawak na merkado.
Umusok naman ang kabuhayan sa Brgy. Caduldulaoan, Santa Ignacia, Tarlac. Dalawampu't tatlong (23) benepisyaryo ng 4Ps ang sumalang sa Tinapa-Making Training. Sa pamumuno ng Municipal Action Team (MAT) Santa Ignacia, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) at TCLASS, natutunan ng mga kalahok ang buong proseso ng paggawa ng de-kalidad na tinapa.
Para sa mga kalahok, ang kaalamang ito ay hindi lamang panlibangan; ito ay isang mabisang paraan upang magkaroon ng dagdag na kita na direktang makatutulong sa kanilang mga anak at gastusin sa bahay.
Sa pamamagitan ng mga pagsasanay na ito, ang mga programang panlipunan ng pamahalaan ay higit pa sa ayuda, ito ay pamumuhunan sa kakayahan ng bawat Pilipino. Mula sa mainit na pandesal hanggang sa masustansyang tinapa, patuloy na binubuo ng mga taga-Tarlac ang kanilang sariling tagumpay, isang lutuin at isang pangarap sa bawat pagkakataon.
Sa gitna ng mga hamon ng buhay, may mga taong nagsisilbing liwanag at sandigan ng kanilang komunidad. Isa sa m…
Sa gitna ng mga hamon ng buhay, may mga taong nagsisilbing liwanag at sandigan ng kanilang komunidad. Isa sa mga natatanging halimbawa nito ay si Alegria Domayan, isang dedikadong Parent Leader mula sa Dulong Malabon, Pulilan, Bulacan, na naging simbolo ng pag-asa at serbisyo para sa kanyang mga kapwa 4Ps beneficiaries.
"Kahit na mahirap ang buhay, iniisip ko pa rin na makatulong sa aking kapwa sa abot ng aking makakaya."
Hindi naging hadlang ang kahirapan sa kanyang pagnanais na umunlad. Mula nang mapabilang sa 4Ps, aktibong nilahukan niya ang iba't ibang pagsasanay upang madagdagan ang kanyang kaalaman. Kabilang dito ang Roll-out training para sa mga Parent Leaders at Skills Enhancement Training, Meat Processing sa ilalim ng TESDA, at Basic Handloom Weaving NC-II mula sa DOST-DTRI.
Dahil sa kanyang dedikasyon, kinilala siya ng DOST at naging trainer pa siya sa Handloom Weaving sa kanilang bayan. Ang mga natutunan niya ay hindi niya kinimkim; ibinahagi niya ang mga ito sa kanyang mga kasamahan upang mabigyan sila ng karagdagang pagkakakitaan. Hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan. Kinailangan niyang harapin ang matinding pagsubok nang ang kanyang anak ay dumanas ng epilepsy. Sa kabila ng mga nasirang gamit, mga pagwawala, at mga mapanghusgang tingin ng ibang tao, hindi siya sumuko. Sa tulong ng panalangin at matiyagang pag-aaruga, unti-unting nakabawi ang kanyang anak.
Noong pandemya, muli siyang sinubok nang mawalay sa asawang nagtatrabaho sa Samar. Sa gitna ng kawalan ng katiyakan at pangamba sa araw-araw na kakainin, naging matatag siya. "Walang gabi na hindi ako umiiyak sa Diyos," pagbabahagi niya. Ngunit sa biyaya ng Maykapal, nakaraos sila sa bawat araw.
Bilang Parent Leader sa Dulong Malabon, ang kanyang serbisyo ay hindi matatawaran. Siya ang tumutulong sa mga kasamahan sa pag-aayos ng mga kinakailangang papeles, maging sa panahon ng kalungkutan gaya ng pagkakasakit o pagpanaw ng isang mahal sa buhay. Bukod dito, pinangunahan niya ang proyektong "Pera sa Basura" tuwing Family Development Session (FDS). Ang pondong nalilikom mula sa pagbebenta ng mga plastik at bote ay nagsisilbing tulong pinansyal para sa mga miyembrong nangangailangan.
Ang kanyang layunin ay simple: maging responsableng miyembro ng programa, makatulong sa komunidad, at maging inspirasyon sa iba na huwag tumigil sa pag-aaral at pag-unlad hangga't hindi pa nakaka-graduate sa programa.
Isang kuwento ng katatagan, serbisyo, at pagmamahal sa kapwa.
"Ang bawat luha ng kahapon ay binigyang saysay ng tagumpay ngayon: patunay na hangga't may pag-asa, may paraan…
"Ang bawat luha ng kahapon ay binigyang saysay ng tagumpay ngayon: patunay na hangga't may pag-asa, may paraan; at hangga't may pangarap, may katuparan."
Mula sa payak na komunidad ng Barangay Sta. Teresita sa Lungsod ng Angeles, ang pamilya ni Susan Villena Calagui ay lumaki sa araw-araw na pakikibaka. Ang kanyang asawa ay minsang nagtatrabaho bilang laborer o kaya ay nagtitinda upang may maiuwi lamang na kakarampot na kita. Sa kabila ng kanilang walang-sawa at matinding pagsisikap, madalas ay hindi pa rin ito sapat upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.
Kabilang sa kanilang sandigan ang mga kapatid na minsan ding dumamay sa kanilang mga gastusin, ngunit may kanya-kanya na ring pamilyang binubuhay. Para kay Charity V. Calagui, ang bunso sa pamilya, ang pamumuhay sa kahirapan ay tila isang mabigat na pasanin kung saan ang pagkain, pera, at gamot ay madalas na mahirap abutin. Ngunit sa kabila ng panghihina ng loob, hindi niya hinayaang maging hadlang ang kahirapan sa kanyang mga pangarap.
Noong 2012, habang si Charity ay nasa elementarya pa lamang, opisyal na naging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang kanilang pamilya. Malaki ang naibsan sa bigat ng kanilang sitwasyon dahil sa cash grants na ginamit para sa pagkain at mga kagamitan sa paaralan. Nagkaroon sila ng akses sa regular na health check-ups at monitoring, habang ang mga bata naman ay nakapag-aral nang tuloy-tuloy.
Malalim ang naging epekto ng Family Development Sessions (FDS) kay Susan Calagui. Natutunan niya ang kahalagahan ng responsableng pagiging magulang, wastong nutrisyon, family planning, at tamang pamamahala ng cash grants para sa kapakanan ng pamilya.
Nang tumuntong si Charity sa tamang edad at makapagtapos ng high school, sumabay naman ang pagsubok ng pandemya. Sa puntong iyon, gusto na lamang sana niyang magpahinga at magtrabaho dahil sa pangamba sa matrikula. Subalit mariing pinatibay ng kanyang ina ang kanyang loob: "Hangga't kaya ka pa naming pag-aralin, grab the opportunity."
Sa pamamagitan ng mga kwento ng mga nakilala ng kanyang ina mula sa programa ng 4Ps, namulat si Charity sa mundo ng Social Work. Dito sumibol ang kanyang pangarap: ang maging isang social worker upang makatulong din sa mga pamilyang dumaranas ng matitindihang pagsubok.
Ang paglalakbay sa kolehiyo ay hindi naging madali. Puno ito ng mga promissory note, sunod-sunod na utang, at matinding pagod. Ngunit sa pamamagitan ng pananampalataya at determinasyon, nakapagtapos si Charity sa Systems Plus College Foundation ng kursong Bachelor of Science in Social Work taglay ang karangalang Cum Laude.
Habang papalapit ang board exam, muling sinubukan ang kanyang tibay ng loob. Nilamon siya ng kaba, pagdududa sa sarili, at kawalan ng katiyakan noong panahon ng kanyang OJT. Ngunit binuhat niya ang kanyang mga pangarap gamit ang sakripisyo ng kanyang mga magulang bilang pinakamalakas na inspirasyon.
Sa tulong ng Diyos, ng kanyang pamilya, at ng kanyang matibay na paninindigan, nakamit niya ang kanyang lisensya, isa na siyang Rehistradong Social Worker.
Sa kasalukuyan, ang pamilya Calagui ay nasa Level 2 na ng kanilang antas ng kabuhayan. Ang kwento ni Charity ay patunay na ang kahirapan ay hindi kailanman magiging katapusan ng isang kwento, kundi simula lamang ng mas matatag na bukas.
"I'm proud to say, 'Hindi hadlang ang kahirapan para maabot mo ang iyong pangarap. Kahit mahirap ang buhay, hindi imposible ang mangarap.' All the struggles were worth it. All by His grace." · Charity
Naganap ang Module 1: Orientation on Gender-Based Violence (GBV) Watch Groups and Understanding GBV para sa mg…
Naganap ang Module 1: Orientation on Gender-Based Violence (GBV) Watch Groups and Understanding GBV para sa mga lalaking benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Dinalupihan, Bataan sa pangunguna ng DSWD Field Office 3 Municipal Operations Office (MOO) Dinalupihan katuwang si Ms. Sherryl B. Santos, PDO III – Lead Secretariat Regional Inter-Agency Committee Against Trafficking, Child Pornography, and Violence Against Women and their Children.
Katuwang ang MOO Dinalupihan, bumuo ng isang Self-Help Group ang mga lalaking benepisyaryo ng 4Ps na tinawag na "4Ps MEN GENDER-BASED VIOLENCE (GBV) WATCH GROUP" na naglalayong mabigyang pansin ang lumalaking bilang ng mga taong nakararanas ng pang-aabuso sa bayan.
Nilalayon din na mapagyabong ang kaalaman at kasanayan ng mga natukoy na lalaking benepisyaryo ukol sa gender sensitivity, positive masculinity, responsible fatherhood, mga batas na nauugnay sa VAWC, proteksyon ng kabataan sa pamamagitan ng capacity-building activities, at Family Development Sessions (FDS) na makatutulong sa kanilang pagganap sa tungkulin.
Dagdag pa, layunin din na mapatibay ang sistema ng sanggunian at koordinasyon sa pagitan ng GBV Watch Group at ng Barangay VAW Desk, Local Council for the Protection of Children (LCPC), at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para sa wastong pag-uulat at pagsangguni ng mga kaso. Naglalayon din na hikayatin ang adbokasiya ng kalalakihan at suporta sa kapwa (peer support) sa pagtataguyod ng walang karahasan, magalang, at gender-responsive na relasyon sa pamilya.
General Tinio, Nueva Ecija, Sa kabila ng pagiging isa sa mga Unserved and Underserved Areas (UUAs) sa lalawiga…
General Tinio, Nueva Ecija, Sa kabila ng pagiging isa sa mga Unserved and Underserved Areas (UUAs) sa lalawigan ng Nueva Ecija, naramdaman ng Barangay Palale ang diwa ng convergence o pagtutulungan ng pamahalaan sa pagbibigay ng makabuluhang programa at serbisyo.
Matagumpay na naisagawa para sa 20 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Palale Kabuhayan at Kaunlaran Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) ang "Skills Training on Bignay Wine, Bignay Concentrate, Camote Chips, and Camote Fries Production".
Matatandaang isa ang Palale Kabuhayan at Kaunlaran SLPA sa mga nakatanggap ng SLP Grant na nagkakahalaga ng ₱600,000.00 noong nakaraang Mayo 2026.
Bukod sa libreng kasanayan sa pagproseso ng mga lokal na ani ng Barangay, tulad ng Bignay at Camote, mas lalo pang pinatibay ang kakayahan ng asosasyon sa tulong ng DOST Nueva Ecija sa pagkakaloob ng mga kagamitan at equipment, na makakatulong sa kanilang epektibong operasyon, gaya ng: Hand Refractometer (para sa pagsukat ng tamis/sugar content); Pen-type pH Meter (para sa pagsukat ng asim/acidity); Thermohygrometer (para sa temperatura at humidity); Probe Thermometer (para sa tiyak na temperatura ng pagluluto); Juice Extractor (para sa mas mabilis at malinis na pag-extract ng Bignay); at Stainless Steel Tables.
Katuwang ng DSWD Field Office 3 Provincial Operations Office 2 – Nueva Ecija, Municipal Action Team (MAT) General Tinio at Sustainable Livelihood Program ang mga sumusunod na partners sa katagumpayan ng mithiing ito: DOST Nueva Ecija, sa pagkakaloob ng mga equipment at kagamitan, at sa paglalaan ng Technical Assistance sa pagpapatakbo ng kabuhayan ng asosasyon; Central Luzon State University, sa pagsasagawa ng masinsinang pagsasanay patungkol sa Bignay and Camote Post-Production; at LGU General Tinio, sa paglalaan ng mga pangangailangan at seguridad sa pagbabyahe ng mga kagamitan at tao upang marating ang Barangay Palale, na isa sa mga pinakamalayong Barangay sa bayan.
Sa halip na ang mga mamamayan ang bumiyahe nang malayo para maghanap ng oportunidad, ang mga ahensya mismo ang nagkapit-bisig upang ilapit ang mga programa at pagsasanay sa kanilang pamayanan.
Sa patuloy na pagtutulungan ng DSWD Field Office 3 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Provincial Operat…
Sa patuloy na pagtutulungan ng DSWD Field Office 3 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Provincial Operations Office (POO) – Aurora, Provincial Government of Aurora, sa pamumuno ni Governor Hon. Isidro P. Galban, at ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pangunguna ni Ms. Abigaiel F. Paulino, matagumpay na isinagawa ang Provincial Search for Huwarang Pantawid Pamilya 2026.
Ang Provincial Search for Huwarang Pantawid Pamilya ay isa sa mga Good Practices ng Provincial Government at ng 4Ps POO. Layunin nitong kilalanin at bigyang-pugay ang mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps na nagsisilbing mabuting halimbawa sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng responsableng pagiging magulang, pagpapahalaga sa edukasyon at kalusugan ng mga anak, matatag na samahan ng pamilya, at aktibong pakikilahok sa mga programa ng pamahalaan.
Bilang bahagi ng proseso ng pagpili, nagsagawa muna ng field validation, kung saan personal na binisita ang bawat kalahok sa kanilang tahanan at komunidad upang magsagawa ng panayam at mapatunayan ang kanilang mga naging tagumpay at mabubuting gawain. Matapos nito, isinagawa ng mga hurado ang desk validation upang masusing suriin ang mga resulta at matukoy ang mga karapat-dapat na tanghaling Huwarang Pantawid Pamilya 2026.
Ang mga hurado ay binubuo nina Mr. Tristan P. Porbido, Social Welfare Officer I at 4Ps Focal Person ng PSWDO Aurora; Ms. Joanne R. Mateo, Provincial Link; at Mr. Jay Lee V. Embile, Institutional Partnership Development Officer.
Ang mga kinatawan ng walong (8) munisipalidad ng lalawigan ay sina: Baler – Pamilya ni Medy A. Bernardino; Casiguran – Pamilya ni Lunining S. Torre; Dilasag – Pamilya ni Rithcel P. Calusa; Dinalungan – Pamilya ni Windy V. Flora; Dingalan – Pamilya ni Aila E. Tena; Dipaculao – Pamilya ni Rubylita C. Nidoy; Maria Aurora – Pamilya ni Marilyn D. Donato; at San Luis – Pamilya ni Roselyn C. Cuerdo.
Matapos ang masusing ebalwasyon, itinanghal ang mga nagwagi: Best Family Picture and Caption – Pamilya ni Aila E. Tena (Dingalan); Best Success Story – Pamilya ni Rithcel P. Calusa (Dilasag); Resilience Family Award – Pamilya ni Aila E. Tena (Dingalan); Best Portfolio – Pamilya ni Marilyn D. Donato (Maria Aurora).
Itinanghal na 3rd Place – Pamilya ni Rubylita C. Nidoy (Dipaculao), 2nd Place – Pamilya ni Rithcel P. Calusa (Dilasag), at Huwarang Pantawid Pamilya 2026 – Pamilya ni Marilyn D. Donato (Maria Aurora).
Ang mga nagwagi ay tatanggap ng pagkilala at mga gantimpala mula sa Provincial Government of Aurora sa pamamagitan ng PSWDO bilang pagkilala sa kanilang pagiging huwaran at inspirasyon sa kapwa pamilya. Patunay ang Huwarang Pantawid Pamilya 2026 na ang matatag na pamilya ang pundasyon ng isang maunlad na komunidad.
Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang mga pamilya na patuloy na magsikap, magkaisa, at maging katuwang sa pagtataguyod ng mas magandang kinabukasan para sa bawat batang Pilipino.
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Progr…
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), isinagawa ang Resume Writing and Interview Confidence Training sa Palauig, Zambales.
Pinangunahan ng mga resource person mula sa DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP) na sina Ms. Joan D. Evangelista, MBA at Ms. Roxanne D. Cadiz, LPT, Project Development Officer II, ang pagsasanay na naglalayong ihanda ang mga kalahok sa paghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pagbuo ng epektibong résumé at pagpapaunlad ng kanilang kumpiyansa sa pagharap sa job interviews.
May kabuuang 20 na benepisyaryo ng 4Ps ang lumahok sa aktibidad, na binubuo ng 14 na kababaihan at 6 na kalalakihan. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na binibigyang-kakayahan ang mga benepisyaryo upang maging mas handa sa mga oportunidad sa trabaho at makamit ang mas matatag at mas maunlad na kabuhayan.
Ang pagsasanay na ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng 4Ps at SLP sa pagsusulong ng mga programang nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga pamilyang Pilipino.
Nagkaroon ng Tree Planting Activity kasabay ng Medical and Dental Mission sa Sitio Kanawan, Binaritan, Morong,…
Nagkaroon ng Tree Planting Activity kasabay ng Medical and Dental Mission sa Sitio Kanawan, Binaritan, Morong, Bataan, ang DSWD Field Office 3 Provincial Operations Office (POO) Bataan at Local Government Unit ng Morong sa pangunguna ni Mayor Leila L. Muñoz.
Naglakbay ang mga kawani ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kasama ang medical at dental team sa bundok ng Sitio Kanawan upang magpaabot ng tulong medikal at dental sa mga kapatid na katutubo.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng tama at sapat na tulong ang mga matatanda, buntis, at mga batang maaaring dumaranas ng malnutrisyon sa pamamagitan ng free medical check-up at ng mga libreng gamot at bitamina. Dagdag din dito, nilalayon din ng aktibidad na mabigyan ng maalwang ngiti ang mga kapatid na katutubo sa tulong ng free dental check-up at bunot.
Kasama rin sa nasabing aktibidad ang Local Civil Registry (LCR) para sa pagsasaayos ng kanilang mga birth certificate; PhilHealth YAKAP para sa kanilang free medical insurance; Department of Agriculture para sa libreng buto ng mga gulay na pananim; Philippine Statistics Authority (PSA) para sa registration ng National ID; Accounting Department of LGU Morong para sa kanilang mga cedula; Rural Health Unit (RHU) Morong; at Barangay Health Station (BHS) Binaritan na katulong ng Medical Team para sa free medical check-up.
Ang kani-kanilang pagpapaabot ng mga nasabing tulong ay nagbigay ginhawa sa mga kapatid na katutubo na hindi na magawang makababa ng Poblacion. Kasama rin ang Disaster Response Management Division (DRMD) ng DSWD, na nagpamahagi ng 100 Family Food Packs para sa mga katutubong nakatulong sa POO Bataan sa matagumpay na pagtatanim ng 500 tree seedlings.
Ang tagumpay ng aktibidad na ito ay pagpapatunay lamang na hindi hadlang ang distansya upang magpaabot ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan dahil #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Isinagawa ang Libreng Eye Screening, Eye Check-up, at Consultation sa Licab, Nueva Ecija sa pamamagitan ng pak…
Isinagawa ang Libreng Eye Screening, Eye Check-up, at Consultation sa Licab, Nueva Ecija sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Good Sam Eye and Laser Center, sa pangunguna ni Dr. Sherwin B. Fernandez, MD, isang dalubhasa sa pangangalaga ng mata.
Sa nasabing aktibidad, 85 na benepisyaryo ng 4Ps ang nabigyan ng libreng pagsusuri sa mata, konsultasyon, at mahahalagang payo upang mapanatili ang mabuting kalusugan ng kanilang paningin.
Layunin ng gawaing ito na mailapit ang serbisyong pangangalaga sa mata sa mga mamamayan ng Licab, lalo na sa mga pamilyang kabilang sa 4Ps, sapagkat naniniwala tayo na ang malinaw na paningin ay mahalagang pundasyon ng isang produktibo, malusog, at mas magandang kinabukasan.
Ang tagumpay ng programang ito ay naging posible dahil sa walang sawang suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Licab, sa pangunguna ni Mayor Wilfredo Domingo, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Mr. Erwin Vicente, gayundin ang dedikasyon ng Good Sam Eye and Laser Center sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong medikal.
Isinagawa ang Alternative Learning System (ALS) Graduation Ceremony sa mga bayan ng San Miguel at Marilao, Bul…
Isinagawa ang Alternative Learning System (ALS) Graduation Ceremony sa mga bayan ng San Miguel at Marilao, Bulacan, kung saan 68 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nagsipagtapos.
Kabilang dito ang 59 na nagtapos sa ALS Junior High School at 9 na nagtapos sa ALS Senior High School, na binubuo ng mga 4Ps grantees, dating Child Not Attending School (CNAS), at iba pang miyembro ng kanilang mga sambahayan.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga magulang at kabataang hindi nakapagtapos ng pormal na edukasyon upang maipagpatuloy at makumpleto ang kanilang pag-aaral.
Sa pamamagitan nito, nabibigyan sila ng pagkakataong matupad ang kanilang mga pangarap, mapalawak ang kanilang oportunidad sa mas maayos na hanapbuhay, at higit na mapaunlad ang kalidad ng buhay ng kanilang mga pamilya.
Ang Lapis at Papel ng Municipal Operations Office ng San Miguel at Project Alpha ng Municipal Operations Office ng Marilao ay mga inisyatibong naglalayong tugunan ang suliranin ng mga Out-of-School Youth (OSY) at mga magulang na hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, nabibigyan sila ng pagkakataong makamit ang kanilang diploma na magsisilbing daan tungo sa mas magandang oportunidad sa trabaho at mas matatag na kabuhayan para sa kanilang mga pamilya.
Naging matagumpay ang mga proyektong ito dahil sa matibay na pagtutulungan at koordinasyon ng DSWD Field Office 3 at ng Department of Education – Alternative Learning System (DepEd-ALS). Ang kanilang sama-samang adhikain ay patunay na ang edukasyon ay nananatiling susi sa pag-angat ng antas ng pamumuhay at sa pagbibigay ng pag-asa sa bawat pamilyang Pilipino.
Patuloy na isinusulong ng DSWD ang mga programang nagbibigay ng oportunidad para sa pagkatuto, pag-unlad, at mas magandang kinabukasan ng bawat benepisyaryo, sapagkat naniniwala itong ang bawat tagumpay ay nagsisimula sa pagbibigay ng pagkakataon.
BALANGA CITY, Bataan (Hulyo 21, 2026) – Tatlumpu't limang (35) exited beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pili…
BALANGA CITY, Bataan (Hulyo 21, 2026) – Tatlumpu't limang (35) exited beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa iba't ibang barangay ng lungsod ang lumahok sa isang araw na Livelihood Skills Training bilang bahagi ng patuloy na after-care services para sa mga nagtapos sa programa.
Pinangunahan ang pagsasanay ng Bataan Peninsula State University (BPSU) – Extension and Training Services Office, kung saan natutunan ng mga kalahok ang paggawa ng pastillas, polvoron, at peanut brittle bilang mga produktong maaaring pagkakitaan at magsilbing panimulang kabuhayan.
Bilang dagdag na suporta, tumanggap din ang bawat benepisyaryo ng starter kits na magagamit sa pagsisimula ng kanilang sariling maliit na negosyo. Ang nasabing programa ay handog ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Balanga sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office, bilang bahagi ng patuloy nitong pagsuporta sa mga exited 4Ps beneficiaries.
Layunin nitong palakasin ang kanilang kakayahang magkaroon ng matatag at napapanatiling kabuhayan upang maiwasan ang muling pagbabalik sa kahirapan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na isinusulong ang layunin ng 4Ps na makamit ng mga benepisyaryo ang ganap na pagiging self-sufficient at magkaroon ng mas maunlad na kinabukasan para sa kanilang mga pamilya.
Mga nanay na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Brgy. San Francisco De Asis, Limay, …
Mga nanay na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Brgy. San Francisco De Asis, Limay, Bataan, nagkaisa at nagtayo ng sariling pie business!
Mula sa simpleng "Egg Pie at Buko Pie Training" na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Provincial Training Center sa Caravan of Services, isang makabuluhang pagbabago ang namuo para sa mga benepisyaryo ng programa.
Bilang bunga ng kanilang natutunan, nabuo ang Samahan ng Kababaihan ng 4Ps SFDA, isang Self-Help Group na naglalayong pagkaisahin ang mga kababaihan at gamitin ang kanilang bagong kasanayan upang makalikha ng dagdag na kabuhayan para sa kanilang mga pamilya.
Hindi nagtagal, inilunsad din nila ang kanilang sariling small business enterprise na pinangalanang Blessed Delights: Buko Pie & Egg Pie, na nagsisilbing patunay na ang tamang pagsasanay, pagkakaisa, at determinasyon ay maaaring maging daan tungo sa mas matatag na kabuhayan.
Sa bawat pie na kanilang nalilikha ay may kasamang pag-asa, sipag, at pangarap na maitaguyod ang kanilang pamilya at makamit ang mas magandang kinabukasan. Isang inspirasyon ang Samahan ng Kababaihan ng 4Ps SFDA na nagpapakita na kapag ang oportunidad ay sinabayan ng pagkakaisa at pagsisikap, ang maliit na hakbang ay maaaring maging malaking tagumpay.
#UPLIFTingNews: Dagdag suporta, natanggap ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa …
#UPLIFTingNews: Dagdag suporta, natanggap ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Gitnang Luzon.
Sinimulan nang ma-credit ang one-time top-up na ₱2,000 UPLIFT Assistance sa mga benepisyaryo ng programa. Bilang tugon sa mataas na presyo ng mga bilihin, hatid ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang karagdagang tulong na ito para sa mga pamilyang Pilipino.
Layunin nitong magbigay ng sapat na suporta upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga benepisyaryo sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya.
Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan – Isinagawa ang Pugay Tagumpay Graduation Ceremony cum Caravan of Servi…
Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan – Isinagawa ang Pugay Tagumpay Graduation Ceremony cum Caravan of Services kung saan 838 na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang matagumpay na nagtapos sa programa.
Bilang bahagi ng paunang Aftercare Services ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte para sa mga nagsipagtapos na pamilya, isinagawa ang Uswag Kabenepisyaryo: Caravan of Services, na naglalayong matulungan ang mga 4Ps graduates sa kanilang paglipat tungo sa mas matatag at sapat na kabuhayan sa pamamagitan ng iba't ibang serbisyo mula sa mga katuwang na ahensya ng pamahalaan.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ay ang sumusunod: Social Security System (SSS) – tumulong sa mga exiting beneficiaries na naghahanap ng trabaho sa pag-update ng kanilang personal na impormasyon, pagpaparehistro para sa SSS Number, at pagkuha ng kanilang Member Data Record (MDR). Bureau of Internal Revenue (BIR) – nagbigay ng serbisyo sa pagpaparehistro at pagkuha ng Taxpayer Identification Number (TIN) at TIN ID. City Public Employment Services Office (PESO) – nagdala ng 11 kumpanya na nagsagawa ng recruitment activities, kung saan 18 exiting beneficiaries ang naging Hired on the Spot (HOTS); bawat isa ay tumanggap ng ₱2,000 cash assistance para sa kanilang pre-employment requirements.
Dagdag pa: City Health Office (CHO) – nagbigay ng oryentasyon at pagpaparehistro sa YAKAP Program ng PhilHealth. City Social Welfare and Development Office (CSWDO) – nagkaloob ng karagdagang pinansyal na tulong sa mga benepisyaryong may maliliit na negosyo. City Agriculture Office – namahagi ng mga binhi at punla sa 800 exiting beneficiaries. City Youth Sports and Development Office – nagbigay ng impormasyon at tulong sa mga kuwalipikadong kabataan upang makapag-avail ng scholarship programs.
Samantala, hatid ng Office of the Mayor ang Tindahan ni Maria, isang community pantry na nagkaloob ng iba't ibang grocery items nang libre sa mga nagsipagtapos na benepisyaryo ng 4Ps. Nagkaloob din sina Mayor Florida P. Robes at Congressman Arturo B. Robes ng pinansyal na insentibo sa mga anak ng 4Ps graduates na nagtapos na may Latin Honors.
Dinaluhan ang programa nina Atty. Elaine F. Fallarcuna, CESE, Assistant Secretary for Secretary Support to the Operations and New Initiatives Cluster (CCG). Kasama rin ang kinatawan ni DSWD Field Office III Regional Director Venus F. Rebuldela, na si Ms. Josephine C. Dela Tonga, Division Chief ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at mga miyembro ng City Advisory Council ng Lungsod ng San Jose del Monte.
Patunay ang gawaing ito sa matibay na ugnayan ng DSWD, Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte, at mga partner agencies sa pagbibigay ng tuloy-tuloy na suporta sa mga pamilyang nagtapos sa 4Ps.
Sa pamamagitan ng komprehensibong aftercare services at mga programang pangkabuhayan, layunin ng mga katuwang na ahensya na matiyak na mapananatili ng mga 4Ps graduates ang kanilang mga natamong pagbabago at patuloy na umasenso tungo sa isang mas matatag at mas maunlad na kinabukasan.
Bilang pagpupugay sa malasakit at pakikiisa, iginawad ang Plaque of Appreciation sa Pantawid Pamilyang Pilipin…
Bilang pagpupugay sa malasakit at pakikiisa, iginawad ang Plaque of Appreciation sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Porac Municipal Operations Office (MOO) sa "Grateful Hearts, Shared Success 2026" Recognition Ceremony ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital para sa matagal na nitong pakikiisa sa mga voluntary blood donation initiatives.
Tinanggap ni Ms. Laura S. Canlas, Municipal Link at Team Leader, ang parangal sa ngalan ng buong 4Ps Porac MOO. Patunay ito ng matagal nang dedikasyon ng MOO sa pakikipagtulungan sa iba't ibang partner organizations. Sa pamamagitan ng mga ugnayang ito, mas maraming 4Ps beneficiaries ang nabibigyan ng pagkakataong makibahagi sa mga makabuluhang inisyatiba para sa komunidad.
Nagpapasalamat ang DSWD Field Office 3 sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital, sa mga 4Ps beneficiaries, volunteers, at partner organizations na katuwang sa mga ganitong adhikain.
Patuloy na magsisilbing inspirasyon ang pagkilalang ito sa pagsusulong ng mga gawaing nagbibigay ng pag-asa at nagtataguyod ng boluntaryong paglilingkod.
Clark, Pampanga – Nakiisa ang mga kinatawan ng DSWD Field Office 3 – SWAD Nueva Ecija Provincial Operations Of…
Clark, Pampanga – Nakiisa ang mga kinatawan ng DSWD Field Office 3 – SWAD Nueva Ecija Provincial Operations Office 1 sa seremonya ng pagtatapos ng mga iskolar ng La Rose Noire Foundation Training Center.
Dinaluhan ito nina Provincial Link Marites P. Javate kasama ang mga kawani ng DSWD. Ang kanilang pagdalo ay sumasalamin sa matatag at patuloy na ugnayan ng DSWD at La Rose Noire Foundation sa pagbibigay ng mga oportunidad sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Higit sa lahat, ito ay bilang suporta at pagkilala sa limang (5) iskolar na matagumpay na nagtapos ng anim (6) na buwang libreng pagsasanay sa Baking and Pastry at Barista.
Kabilang sa mga nagsipagtapos ang mga 4Ps monitored children na sina Arabelle Lorenzo Viloria, na tumanggap ng Best in Making Petit Fours; Arianne Raon Carpio, na ginawaran ng Best in Pastry Making at Best in Latte Art Making; at John Ivan De Guzman kasama ang dalawa pang mga scholars na mula rin sa Quezon, Nueva Ecija.
Bukod sa kanilang pagtatapos, matagumpay din nilang naipasa ang competency assessment at ganap na mga National Certificate II (NC II) holders.
Sa kasalukuyan, inihahanda na rin sila para sa kanilang employment sa pamamagitan ng mga partner hotel at partner agency ng La Rose Noire Foundation.
Ang tagumpay na ito ay patunay na sa pamamagitan ng matibay na pagtutulungan ng DSWD at ng mga institutional partners nito, mas maraming benepisyaryo ang nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng kasanayan, disenteng trabaho, at mas magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya.
MEXICO, PAMPANGA – Mas handang maging sandigan ng kanilang mga komunidad ang 62 Pantawid Pamilyang Pilipino Pr…
MEXICO, PAMPANGA – Mas handang maging sandigan ng kanilang mga komunidad ang 62 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Parent Leaders mula sa 43 barangay ng bayan matapos lumahok sa "Alamin, Kumilos, Protektahan: VAWC Response Training for 4Ps Parent Leaders of Mexico, Pampanga."
Sa pangunguna ng Mexico Municipal Action Team, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Mexico, pinalawak sa aktibidad ang kaalaman tungkol sa Violence Against Women and Children (VAWC), kabilang ang tamang pagtugon sa mga kaso, mga serbisyong maaaring lapitan, at ang mahalagang papel na ginagampanan ng bawat isa sa pagprotekta sa kababaihan at mga bata sa kanilang mga komunidad.
Sa patuloy na pagbibigay ng mga ganitong pagsasanay, pinagtitibay ng DSWD Field Office 3, sa pamamagitan ng 4Ps, ang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang katuwang upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga Parent Leaders at mga benepisyaryo. Sa pagkakaroon ng tamang kaalaman at kasanayan, nahuhubog ang mga benepisyaryo bilang mga responsableng indibidwal, aktibong katuwang sa pag-unlad ng kanilang komunidad, at mga tagapagtaguyod ng ligtas at mapayapang kapaligiran para sa bawat pamilya.
MARIA AURORA, AURORA – Bilang pagbibigay-pagkilala sa pagtatapos sa programa ng 167 na mga Pantawid Pamilyang …
MARIA AURORA, AURORA – Bilang pagbibigay-pagkilala sa pagtatapos sa programa ng 167 na mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, idinaos ang Pugay Tagumpay sa bayan.
Bilang suporta ng iba't ibang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan sa mga nagtapos, ipinagkaloob nila ang slots for Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE), slots for skills training on hilot massage wellness, at fruit-bearing trees mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).
Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Maria Aurora sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ariel A. Bitong, katuwang sina SB Member Aleirah A. Bitong, Center Manager Carlito G. Gatchalian, PESO Manager Nika Vei G. Nakar, OIC MSWDO Maria Gloria B. Amatorio, at MENRO Reynaldo B. Aragon Jr., matagumpay na naisagawa ang programa para sa mga pamilyang nagsipagtapos sa programa. Naging matagumpay din ang aktibidad sa pangunguna nina Provincial Link Joanne R. Mateo at Ms. Melanie Barnayha, kasama ang buong MAT Maria Aurora.
Ang mga tulong na ito ay sumasalamin sa tunay na layunin ng programa, na ang paglabas ng mga benepisyaryo sa 4Ps ay hindi pagtatapos ng suporta, kundi simula ng mas maraming oportunidad tungo sa mas matatag, produktibo, at masaganang pamumuhay. Sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaisa ng DSWD, lokal na pamahalaan, at mga partner agencies, masisigurong ang bawat pamilyang nagtapos sa programa ay may sapat na kakayahan at suporta upang mapanatili ang kanilang pag-unlad at maiwasan ang muling pagbabalik sa kahirapan.
PORAC, PAMPANGA – Sa loob ng dalawang magkasunod na araw, pinangunahan ng DSWD Field Office 3 Municipal Action…
PORAC, PAMPANGA – Sa loob ng dalawang magkasunod na araw, pinangunahan ng DSWD Field Office 3 Municipal Action Team katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang pagsasagawa ng isang Mental Health and Stress Management Seminar at cooking show competition na nilahukan ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) fathers kasama ang kanilang mga anak.
Sa magkaibang paraan, kapwa itinampok ng dalawang aktibidad ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga ama sa buhay ng kanilang pamilya. Tinalakay ang kahalagahan ng mental health at mga epektibong paraan ng pagharap sa stress, habang nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong magbahagi ng kanilang mga karanasan at matuto mula sa isa't isa.
Samantala, sa cooking show competition, nasubok ang pagtutulungan at komunikasyon ng bawat mag-ama habang magkasamang naghahanda ng pagkain, na naging pagkakataon din upang makabuo ng mas maraming makabuluhang alaala bilang pamilya.
Magkaiba man ang naging tema ng bawat gawain, iisa ang mensaheng nais nitong ipabatid. Ang pagiging mabuting ama ay hindi lamang nasusukat sa kakayahang magtaguyod ng pamilya, kundi pati sa pagbibigay ng oras, pag-unawa, paggabay, at pangangalaga sa sariling kalusugan upang mas magampanan ang kanilang mahalagang papel sa tahanan.
Sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan, patuloy na isinusulong ng DSWD ang mga programang nagbibigay ng suporta sa mga pamilya at nagtataguyod ng mas matatag na samahan at mas maayos na kalusugang pangkaisipan.
Moncada, Tarlac – Isinagawa ang Paggabay sa Pag-unlad ng Pamilyang Pantawid: Caravan of Services cum General A…
Moncada, Tarlac – Isinagawa ang Paggabay sa Pag-unlad ng Pamilyang Pantawid: Caravan of Services cum General Assembly 2026 for Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Beneficiaries na may temang "Sama-samang Kumilos, Sama-samang Umunlad, Sama-samang Magtagumpay" na dinaluhan ng humigit-kumulang na 1,631 na benepisyaryo ng 4Ps mula sa iba't ibang barangay sa bayan.
Ang aktibidad na ito ay sinimulan sa pagbibigay ng mensahe ng suporta at welcome remarks mula kay Gng. Mildred G. Arciaga, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), na sinundan naman ni Hon. Ramon Benito M. Aquino, Municipal Mayor ng bayan. Nagbigay din ng maikling mensahe si Bb. Karen Alvarado, Provincial Team Leader ng DSWD Field Office 3 SWAD Tarlac, at si Gng. Daisy I. Madrid, Provincial Link ng 4Ps.
Ang Caravan of Services na ito ay dinaluhan ng iba't ibang partner agencies mula sa National Government Agencies, Local Government Agencies, at mga Civil Society Organizations/Private Sectors. Bawat institusyon ay nagbahagi ng kani-kanilang mga programa at serbisyo.
MSWDO: ipinaliwanag ni Gng. Mildred G. Arciaga ang programa para sa mga Senior Citizens sa LGU at sa National Office, kung paano makakapagparehistro at ang kanilang mga benepisyo. Ipinaliwanag din nila kung paano kumuha ng solo parent ID, PWD ID, medical assistance, burial assistance, at educational assistance at scholarship program.
Public Employment Service Office: ipinaliwanag ni Bb. Alexandra Gail Arrelano ang mga handog na trabaho at ang Community-Based Training (CBT) ng opisina. Dahil dito, may 18 na mga benepisyaryo ang nagpalista para sa CBT at NC II training.
Municipal Agriculture Office (MAO): nagbigay ng paliwanag si G. Eduardo D. Balgos, Jr. ukol sa tamang pagpupunla at pagtatanim ng mga gulay. Binigyan nila ng seeds ang mga benepisyaryo, 210 ang nabigyan at 2 benepisyaryo ang nagpabakuna sa kanilang mga alagang aso.
MENRO: ipinaliwanag ni Gng. Wilma D. Balgos ang tamang pag-aalaga ng kapaligiran at ang proyektong "Plastic Palit Bigas" kung saan ang dalawang kilong plastic bottles ay katumbas ng isang kilong bigas. May 41 benepisyaryo ang nakilahok.
MDRRMO: ipinaliwanag ni Bb. Francess Mabbarang ang tamang gagawin sa araw ng kalamidad at kung saan sila maaaring magpuntang ligtas na mga lugar.
Municipal Health Office (MHO): sa pangunguna ni Dr. Peter Louie Tamayo, nagsagawa ng libreng check-up. May kabuuang bilang na 181 ang nabigyan ng libreng konsulta, 181 din ang nabigyan ng libreng gamot, at 115 na benepisyaryo ang na-rehistro para sa Yakap Program Provider.
Local Civil Registrar Office (LCRO): idinetalye ni Bb. Joyce Marie Andres ang mga hakbang upang maitama ang mga birth certificate. May 55 na benepisyaryo ang binigyan ng tulong.
DSWD-Sustainable Livelihood Program: ipinaliwanag ni G. Renz Joseph Perez, PDO II, ang pagbibigay ng SLP. May dalawang association ang nabigyan ng SLPA, ang SLPA ng Brgy. Sta. Maria at Brgy. Santa Lucia, na may tig-16 na miyembro. May 50 aplikante ang nailista para sa SLPA.
DepEd Alternative Learning System: ipinaliwanag ni G. Rowel Evangelista ang kahalagahan ng makapagtapos ng pag-aaral. May 5 benepisyaryo ang nagpa-enroll para sa Senior High School, 8 para sa Junior High School, at 1 para sa Elementary.
ASKI: ipinaliwanag ni G. Michael Austria ang kahalagahan ng life insurance at ng pagbubukas ng savings account. May 6 na benepisyaryo ang nagbukas ng savings account.
PhilHealth Tarlac: ipinaliwanag ni Bb. Princess Tababa ang kahalagahan ng pagpaparehistro sa PhilHealth at sa Yakap Program. May 19 na benepisyaryo ang na-rehistro at 145 ang nabigyan ng PhilHealth ID at MDR.
Manmover Specialist, Inc.: ipinaliwanag ni Bb. Eugene Estavillo ang mga job opportunity, requirements at qualifications ng kanilang kasalukuyang job hiring.
Department of Trade and Industry (DTI): ipinaliwanag ni Gng. Maria Divina Gloria Ramos ang business orientation and training at ang Consumer Protection. Sa kabuuan, 1,036 ang nabigyan ng serbisyo ng mga Partner Agencies sa isinagawang Caravan of Services.
Ang mga ganitong aktibidad ay malaking tulong para sa mga benepisyaryo upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan.
No stories match this filter.
| No. | Title |
|---|---|
| 12-2024 | Cascading of DBM Circular Letter No. 2024-01 |
| 23-2024 | Observance of Lenten Season |
| 24-2024 | Proper Terminology for Requesting Extra Services for COS Workers |
| 25-2024 | Signifying of Intent to Retire for FY 2025 |
| 26-2024 | Reiteration on Schedule of Wearing Prescribed Uniforms |
| 27-2024 | Reiteration on Accurate Recording of Daily Time Records |
| 34-2024 | Reiteration on Guidelines for Subsistence Allowance Claims |
| 35-2024 | Status of Hazard Pay Claims (Sept–Dec 2023) |
| 37-2024 | Advisory on Electronic Salary Loan (ESL) Applications |
| 44-2024 | Guidelines on Leave of Absences and Penalties |
| 45-2024 | Guidelines on Retirement Benefits Documentary Requirements |
| 47-2024 | Guidelines on Payment of Monetization of Leave Credits |
| 52-2024 | Updating of SSS Records |
| 54-2024 | Process for Submission of Resignation Letters |
| 57-2024 | Subsistence Allowance Eligibility for PSW on Official Travel |
| 59-2024 | Launch of Online Request for Electronic Leave Cards |
| 60-2024 | Orientation on Electronic Leave Administration in Division Meetings |
| 61-2024 | Application for Leave of Absence Forms |
| — | Availing of LandBank Electronic Salary Loan |
| — | Financial Management Guidelines No. 47 (2024) |
| — | Re-introducing GSIS Touch Mobile Application |
| — | Reiteration on Submission of SALN |
| HR 01 | Availability of e-DTR for RO-Based Staff |
| HR 02 | Streamlining Recruitment for Non-Career Positions |
| HR 06-2025 | Operational Framework on Adoption of eDTR with ALM |
| HR 10-2025 | New DSWD Employee Handbook and Virtual Orientation |
| HRMDD 15-2025 | Revised Dress Code |
| HRMDD 16-2025 | Extension: CY 2024 2nd Sem Performance Ratings |
| HRMDD 17-2025 | Optional Wellness Session |
| HRMDD 18-2025 | Last Call: CY 2025 MOA Contract Renewal |